Sunday, June 08, 2008

Congrats Pare

Robi, dahil M-boy ka, tatagalugin ko ito nang maayos.
Napanood ko kahapon ang Big Night, at sigurado akong maraming tao ang nasiyahan at hindi nasiyahan sa desisyon ng kapanalunan, pero alam kong hindi na iyon mahalaga para sa iyo.

Bilang kapwa mong housemate, batchmate at Atenista, gusto kong malaman mo na lubos akong nasiyahan sa mga nagawa mo sa loob ng bahay. Mapagkumbaba ka, may talino, at naghahangad ka ng mabuti para sa iba. Kahit huhusgahan ng maraming tao ang mga nagawa mo sa negatibong paraan, tandaan mo na hindi ka pumasok diyan para magpaka-alipin sa prinsipyo ng iba.

Mapagmamalaki ka. Maraming Atenista, at hindi naman lahat mabubuting tao, pero patunay ka na kaya ng Ateneo magpalaki ng tulad mo, na natatanyag ang kalooban. Hindi pa tapos ang lahat, pareho pareho pang hilaw ang ating mga pagkatao, at marami pa tayong pagdadaanan dahil bata pa tayo, subalit pinakita mo na hindi siguro kailangan alalahanin kung ika'y mapapariwara. Ang hamon sa iyo ngayon ay kung paano pa natin magagamit ang mga mararanasan natin para lalong malayo ang marating. Hindi dahil may marami tayong pribilehiyo, gugustuhin na lang natin tumulong nang tumulong. Dapat, lalo rin nating pinalalago ang ating mga pangarap.

Maraming salamat sa iyo. Dahil sa iyo, naranasan ko kung paano ang pakiramdam bilang manonood, at dahil dito, marami rin akong natutunan sa sarili ko. Kahit hindi mo alam noong nasa loob ka, marami kang buhay na naapektuhan sa mabuting paraan.

Ngayong nasa labas ka na, masayang ingay ang mararanasan mo, pero ang payo ko sa iyo, alamin mo kung saan nanggagaling ang mga sinasabi sa iyo, para malaman mo kung ano talaga ang mahalaga. Sobrang saya ng buhay sa labas ng bahay, pero kailangan buo ngayon ang loob mo, dahil kakaibang laban ngayon ang iyong mararanasan.

Congrats pare. Tandaan mo na nandito lang ako para sa iyo. One Big Fight.

61 comments:

dean said...

Ang galing. Atleast 2nd siya. :) I voted for him hehe. Mas deserving siya manalo kaso part talaga ng plan ni God yan. I'm sure madaming opportunities dadating for Robi. Link my blog naman dude?

http://wastebags.blogspot.com nalink na kta. Yngatz.

keyti said...

I was expecting Robi to win. :|

Kasi ganito, they kept saying it was all about the transformation na nangyari sa kanila while they were inside the house. But what I think is, it's about the transformation na nangyari sa mga viewers ng PBB na ang reason ay dahil kay Robi. He has been truly and deeply influential to us teens. IN A GOOD WAY, of course.

Kahit na he's only 2nd, it doesn't matter. He's still a good boy. And nothing can ever take that away. :D

Vichelle said...

Wow..very supportive! Hehe nkakainis hindi ko npnood ing big night arrgh ksi nmn talagang akala ko eh ngayong linggo ing big night dahil d aq nkpnood these past few days. I'm so glad for him! Sana may blog din xa like u, kuya mikee if alam mo,lagay mo po sa links huh? Hehe. Nga pla,hanggang ngaun po d nyo p po aq na-link. Hehe.its http://kellykohan.tk hehe:D

Marielle said...

... saludo po ako sa ipinakita ni (kuya) Robi Domingo... marami man ang naghangad na maging big winner siya, sa tingin ko po hindi na niya kailangan pa noon dahil nagsilbi siyang isang napakagandang ehemplo para sa nakararaming kabataan at hindi mapapantayan ng kahit na ano ang mabuting impluwensiyang nadala niya sa amin,, sa ating lahat...

...sana ay marami pa ang sumunod sa yapak ninyong dalawa (kuya)Mikee Lee at (kuya) Robi Domingo na isa talgang napakabuting

,,,ano nga po pala ibig sabihin ng "M-boy"?

..GOD bless po..

-marielle-

padresalvi said...

sayang talaga ang lead ni robi sa votes.

at least, marami pa rin ang bumoto kay robi. at hindi siya nagpahuli sa laban.

dalawa na kayo sa ipagmamalaki ng unibersidad niyo na nagpakita ng katalinuhan at kababaang-loob ng kabataang pilipino.

ning said...

Kapag nabasa ito ni Robi, alam kong matutuwa siya dahil ipinagmamalaki siya ng kanyang pamilya, mga kaibigan at mga taga-hanga.

Hindi man siya ang BIG winner ay mananatili pa rin siyang BIG winner sa aming mga puso.:D

-DC- said...

hnd n cguro mahalaga kung ano ang nkuha ni robi ang importante ay kung ano ang naibahagi nya s mga kbataan... bet ko rin c robi

s dzmm ko narinig ang resulta dhil hnd live s tfc... cguro tama ang mga dj n ngsabi "iba tlaga kpag kakampi mo ang masa"

likas n matulungin ang mga pilipino at alam ntn kung cno ang nangangailangan... ganun tlga mas marami ang nka-relate s buhay ni ejay dhil mas mlaki ang bilang ng mahihirap s pinas...

congrats ngpla robi at mabuhay k!!!

-DC-

Vichelle said...

ano palang ibig sabihin ng m-boy?

vichelle said...

ano pla ibg sbhn ng m-boy ?

Marielle said...

.. "m-boy"?.. makata po ba ang ibig sabihin?

,,salamat po...

-marielle-

Crusher said...

Hi po.. I'm sheena from Bohol.. I guess your right about what you said.. but gusto ko lang pong magbigay ng opinion.. hindi naman po sa hindi ko gusto ang pagkapanalo ni Ejay but i would really be happy kung si Robi po ang naging Big Winner.. coz i do believe that choosing someone to be a big winner is not a matter of what you but a matter of what you are.. Robi shows his real personality.. makaka-realate po ako sa kanya or even to you kasi kahit na hindi ako Atenista and I'm just 15 y.o. i already value the sincerity of an individual.. and i value both your sincerity dahil para sa akin kayong dalawa ang dapat maging big winner in different seasons of course..:->

Anonymous said...

well si mikee and robi ay mga huwaran ng kabataang pinoy..Im happy he ended 2nd like yours. Bsta ndi sya nasa bottom. Patuloy na lumulubog ang Pinas.Im not hoping sa miracle ng Government. But i believe the kabataang Pinoy. Im hoping those values we've learned from you and Robi will pass it forward. Well mikee Godbless this semester. Bihira ang taong katulad mo..Ipagpatuloy mo magandang gawain..Tnx for being part of the PNRC. xiao

oblivious2dobvious said...

ejay needs to win...robi deserves to win...there's a big difference...(bitter much??)

anyway..i'm a constant blogger in pbb blog(multiply) and i found out that ejay only won because of the tfc votes...i mean...ano naman ang laban ng 2.50 natin sa e-pins ng tfc...

anyway..past is past..i dont want ejay's fans to think that we,robi fans(aka robilievers), are bitter...

hehe...

and mikee...my multiply blog is private...only my contacts can view it...but here it is...

oblivious2dobvious.multiply.com

jay said...

extend my congratulations to robi.he deserves it. it doesnt matter if he's only a 2nd placer. whats important is he became a role model to the youth. mas masarap ang feeling na naging inspirasyon ka sa pagbabago ng isang tao. more opportunities await robi and hope as his friend maguide mo sya sa nais nyang marating! again congrats robi! i voted for you!

jay said...

vichelle, idol mikee already linked you up! haha! if you failed to watch the big night, it's in you tube already. just search for the link!

ise said...

yuh. robi has done a "GOOJAB" goojab pare. goojab. ahahaha.

ikaw din naman mikee ah. big 4 ka din di ba? hmmm. anong place? gaaah.. 2 years ago na eh. di na maalala. ahaha.

"GALING NI ROBI" though parang naging charity work pa din ng konti lang naman. konti lang.

-mheech.

lagpakerz said...

Hey there. Pwede din pa link? http://inghinyero.blogspot.com

Ayun po. Ako din nadismaya sa pagkatalo ni Robi. Pero alam kong masaya sya dahil 2nd sya. Pero sa totoo lang, sya ang deserving na manalo. nakakainis dahil nagiging charity show na ang PBB dahil lang mahirap eh pinapanalo na.

Anyway, ako kasi gusto ko kung sino talaga ang deserve at kung sino ang pinakamaraming naipakita at nagawa sa loob ng bahay. at si Robi yon.

Mas gusto ko pa nga si Nikki at Beauty kesa kay Ejay eh. HAYY.

LORDS said...

I admired ROBI. Nabasa ko ang article sa pep na he will donate a portion of his price sa Ateneo funds.

KAHIRAPAN IS NOT A GROUND OF NOT CHOOSING ROBI. IT SHOULD BE THE CHARACTER AND PERSONALITY THAT DEFINE A WINNER... SHOULD BE A ROLE MODEL. C KIM CHUI IS HINDI MAYAMAN, BUT SHE WASN''T THE WINNER BECAUSE OF THAT, BUT BECOZ OF PERSONALITY, CHARCATER AND TALENT... C EJAY TALAGA NABUBURABOT AKO PAG BINABANGIT NYA ANG KAHIRAPAN... NAAWA AKO SA KANYA PERO KASI NOT APPROPRIATE, IT BECOMES EMPOSING AND RATIONALIZING KAHIRAPAN TO CHOOSE HIM

About last saturdays big night may something talaga na nangyayari. 7pm pa lang marami na nagrereklamo na di daw nila na sesend ang votes nila kay robi. Pero leading pa rin c robi nung ipinakita ang partial results aroung 8pm at 9pm. Pero nung last 10 mins biglang nagkaroon ng 30k votes c ejay habang halos walang bomoboto kay robi. Im not sure kong may dayaan pero un ang napansin ko. Kahit saang polls mo makikita si robi talaga nangunguna.

Andrea said...

Medyo napansin ko na noon na may mangyayaring ganoon kasi the pbb before the big night where they showed yung VTR para sa each of the big 4 hopeful, yung kay Robi may pagka-nega samantalang sa tatlo ang ganda.Parang pinapalabas nila na maliscious niyang vino-vote off si Josef at may sinabi pa sila tungkol sa mga kakulangan niya.. sabay medyo bawi para hindi halata. pero halatang may negative connotation ang VTR ni Robi. Medyo na-asar nga ako kasi yung pagka-plastic ng ibang house mate eh glinorify nila sa VTR as being pagiging totoo pero napaka ironic na ang pagiging plastic ay pagiging totoo, mali yung logic. At halatang-halata na gusto nila si Ejay manalo, kasi yung VTR kulang na lang eh sabihin nilang Iboto niyo si EJAY kasi gusto niyang mabuo ang pamilya niya sa pamamagitan ng pera. Pero big winner naman na yung daddy niya. may 500,000 php na sila. Kulang pa ba yon?

Charm said...

Ever since nag-start ang PBB TEP, si Robi na ang bet ko.

hindi lang dahil sa looks niya kundi pati sa ibang ugali niya. He is really a good inluence sa mga kabataang tulad ko.

Sa ilang weeks na pagnood ko sa kanya, marami din akong natutunan..

nga pala, ni-link ko tong site mo ha. :)

apple said...

yeah.. marami mang naghuhusga.. iba pa rin si Robi Domingo.. He's the only reason why I watched PBB. HAHA..


just left some footprints here.. :D

Clarice said...

I was first very very down and disappointed when he was called as the second big winner. But as I read your post, I grew lost for words to show my disappointment. You're right, it doesn't matter if he's the big winner or not, what's important is of what he has shown as a house mate and as a good epitome of "kabataang pinoy" for many.

I already linked you in my blog by the way, and here's mine: http://thescholasticbarbie.blogspot.com

Have a good day Mikee.

may said...

si robi pa rin ang big winner para sa akin. :)

liza may said...

wow!! boto ka din pala kay robi..
well.. u know.. nung pumasok xa sa bahay ni bB.
nakita ko na agad kay robi ikaw..
getz..
well same kayu..
atenista..
2nd placer din.. wow!!

hai.. btw.. im liza..
from davao..
can i link you in my blog..
if u want.. link me too...

reply..

punchbowl said...

The results hurt last Saturday after supporting an individual whom we believed have affected many lives. Anyway, it was part of God's plan.
I hope that more ROBI DOMINGO and MIKEE LEE will be produced by Ateneo High School to be emulated by more and more young Filipinos today.
I admire both of you for being able to make use of your privileges in life and respective talents in the most optimistic way.
I wish you both more success today and in the years to come.
You are your parents's pride and joy!! Again, my heartfelt congratulations!!!

punchbowl said...

The results hurt last Saturday after supporting an individual whom we believed have affected many lives. Anyway, it was part of God's plan.
I hope that more ROBI DOMINGO and MIKEE LEE will be produced by Ateneo High School to be emulated by more and more young Filipinos today.
I admire both of you for being able to make use of your privileges in life and respective talents in the most optimistic way.
I wish you both more success today and in the years to come.
You are your parents's pride and joy!! Again, my heartfelt congratulations!!!

mavis said...

i think ejay deserves the prize BUT robi deserves the title! kasi nga huwaran ng kabataang pinoy di bah?? but oh well, God has plans kaya ganun..

Robi showed how he was brought by his family well and how he was molded by his school. he showed kung anu tlga ang mga Atenista and i'm so proud of him. Atenista din aku! pero sa school namen ung mga boys doesn't show the characteristics of an Atenean. i hope tlga na Robi inspired them and let them realize na they don't deserve to be called Atenista.. hahaha.

btw, congrats mikee!! College ka na.. may school na tomorrow!! God bless :)

margaux said...

Tulad ng maraming tao, isa ako sa mga hindi natuwa sa nanalo. pero ganun talaga, nasa plano nga ng Diyos.

To Robi: kahanga hanga ang pinakita mo sa loob ng bahay, im sure nun time nina Mikee ganun din ang naipakita niya. sayang at di ko napanood yun. peace tayo mike. Patunay rin ikaw na hindi lahat ng me kaya ay spoiled brat. ayt? Tulad ng sabi ni Mikee, marami talagang taong naapektuhang tao sa mga naipakita mo, isa na ako dun. naging adik sa pbb kahit di ako talaga nanonood nun hahahaha. kidding aside, marami talagang natutunan esp from you. kahit pa second lang ikaw, ikaw pa rin ang big winner ng karamihan. :-)

anyway, mikee ang emo ng blog mo.

Darwin Dar said...

Helo mikee... isa ako sa mga sobrang humahanga sau, simula pa sa bahay ni kuya ipinaglaban na kita.. i've had some of your pics in my pc and am hoping to find the rest from d internet, that was one of my best collections lalo na ng mga taong hinahangaan ko. I'm hoping to collect some of your friend robi's. Your wallpaper sa Bench is in 3 of my PCs dito sa shop, bka nga ipa tarpaulin ko pa kung sakali, just wanting to show how much Mikee there is in fan's heart. Matalino ka una sa lahat, smart kid 'ika nga. Ur exceptionally smart and d world won't dsagree with that. That's 100% fact.

I've voted for you before, and now voted for Robi, not for any other reason but because i believed in you guys, maybe nagkataon na parehas kaung Atenista, but to tell you i was surprised to know that ur even batchmates and in the honors list, na ikaw ang valedictorian and robi follows. I said, WoW! i was so much impressed. That gave me all d courage nd dtermination to support Robi's quest. (parang magkahawig pa nga kau e, kc nung 1st ko manood ng PBB teen ed. plus after arriving from my community immersion in a remote barangay, parang nakita ko mukha mo sa face ni Robi plus d way he speaks).

Robi did not emerge the big winner but i know he has shared so much to the crowd. He's a great kasama sa bhay, others were just biased to him for some s_lly reasons lalo na nung inominate sya dahil mas kailangan ng iba ung prize kaysa kanya (and that's so unfair). I can see in Robi's eyes his desire to excel and the passion for it, and that same thing i saw in you before, and that's very natural of a growing adolescent with the gift of intellect. I could say that its not the quantity of votes that counts after all, but the quality of people that voted, plus the rationale behind those votes. Robi deserves to win and for me he won in all aspects of the competition.

(Naaawa ako sa kanya every time he's nominated for eviction, for i know deep in my heart how he is misjudged. And still he keeps fighting and wins those trying moments) That should be the attitude of an adolescent, not to lose composure and attitude in difficult situations. And that's the way Robi is.

After that night, (when almost all my body systems stopped working after hearing the announcement of the 2nd teen placer), the nation will just have to remember how much ROBI there was in the house and foresee how much ROBI there will be after the PBB. He's an exemplar to the youth of today, regardless of their status in the society. Robi showed how it is to deal with people of his age na may iba't ibang culture and background sa loob ng bahay ni KUYA, and that he did setting aside his own upbringing and status sa labas ng PBB house.

CONGRATULATIONS TO ROBI!!!

I, really, was expecting Robi to win. No doubts.

Thnx for your time reading this Mikee! I wish u al the best in your studies and career! God bless nd good luck to both of you!

-a fan from South Cotabato

Vichelle said...

yay! thanks jay! hehe :p ayus mapapanood ko big night! ang boklogs ko nman kse ehh talga naman! gusto ko tlga sipain ung sarili ko, (kung pwede lang) haha.. anyway, mikee xnxa na kung makulit ako ha, haha :p

Kathleen said...

Even at the start of PBB, bet ko na si Robi. I was expecting him to win but then it is okay. Very close ang fight and we can see that Robi is ecstatic to see the feedback of the people outside. Lagi siyang nag wa-wow. He benefited in a good way from the show as well as the others and that's good.

Jeremy said...

Oh... another Atenistang housemate na second placer... oh well...

Crissy said...

disappointed ako sa results during the big night. di pumasok yung ibang votes ko. pero big winner pa rin si robi para sakin. at least ang daming sumusupporta sa kanya.

http://www.crissyhaven.com/2008/06/robis-still-my-big-winner.html

.:mae:. said...

I really wanted Kuya Robi to win but I guess it's God's will. Being ranked as 2nd isn't bad though. It does't take anything from him anyway. :]

Kuya, thanks for linking my blog. I really really appreciate it. :] wee!. :] haha. parang bata noh. cnxa po. :]

take care po always!. :]

shrink said...

HONESTLY, masaya na rin kami kung si Ejay Falcon ang tinanghal na Big Winner sa PBB Teen Edition Plus.

Ang iniisip na lang namin ay napakalaking blessing no’n para sa kanyang pamilya.

Tingnan mo naman ang suwerteng dumapo kay Ejay. Wagi na siya, tinanghal pang Big Guardian Winner ang kanyang kinagisnang ama, kung saan nagwagi ito ng kalahating milyong piso.

Hindi si Ejay ang ibinoto namin, kundi si Robi. Nakita namin kay Robi ang isang kabataang sa kabila ng pagkakaroon ng rangya sa buhay ay hindi nakalimot maging maka-Diyos.

Nagpakita rin ng leadership. Nakisalamuha nang maganda sa ibang housemates. Hindi nagpasira sa kaway ng pag-ibig sa loob, dahil nga priority ang pag-aaral.

Nagpakita ng katatagan. Nagsumikap din. Marunong mag-isip ng kung ano ang tama at mali. Marunong magdesisyon at higit sa lahat, lutang na lutang ang breeding.

Talagang ramdam mo na pinalaking maayos ng kanyang mga magulang.

Ngunit hindi siya ang nagwagi. Runner-up lang siya ni Ejay. At wala na ring saysay para kami’y magprotesta pa o magalit kung kanino, dahil hindi na mababago ng galit o protesta namin ang resulta.

Nakalulungkot lang talaga na umpisa pa lang ng show ay tiniyaga na naming bumoto sa pamamagitan ng text hanggang sa maka-otsenta kaming boto para kay Robi.

Ang nakakapagtaka lang, babalikan kami ng reply na “closed na ang pagboto”? So, ano ang ibig sabihin no’n? Hindi nakapasok ang 80 votes namin at iba pang boto kay Robi ng kanyang mga supporter?

Ewan, hindi namin alam kung sino ang dapat na magpaliwanag nito para mas maintindihan ng mga nagtatakang tulad namin.

Ganumpaman, sa puso namin at sa utak namin, si Robi ang Big Winner.

michelle said...

I really wanted Robi to win. It was super close. :( Well, I guess it was really God's will. But for me, Robi is the Big Winner.

Anyways, just want to suggest if you can post pictures on your blog. :P Di ba mas ok yun? :D Please?

By the way, how's your first day at school? Kwento ka naman. :D

-aoi sora- said...

Inaasahan ko talagang si Robi mananalo. Dissapointed ako pero okay na rin at the same time. Si Ejay kasi, nagsisilbing watawat para sa mga mahihirap. Sa pagkapanalo niya, lumalaki ang pag-asa sa kanilang mga puso, na sa kabila ng kahirapan ay makakaya pa rin nilang makamit ang mga pangarap nila.

Pero sa totoo lang (for a person like me na hindi nanonood ng mga palabas na katulad ng PBB) hindi ko akalaing magpapa-load ako at boboto para sa iisang tao. At eto pa, yung pina-load ko naubos. Bihira lang ako humanga sa isang tao ng ganun. Iba talaga si Robi.

Ngayon...ewan ko lang kung manonood ako ng mga magiging palabas niya (yun ay kung kukunin niya yung mga offer). Hindi rin kasi ako mahilig manood ng tv tapos ang uwi ko pa galing school medyo alanganin. Haay...

Basta, BASTA...Good luck sayo, Robi~!!!

PS More power sayo Mikee!
(@^-^@)

roselee said...

Both Robi and Mikee show the true value of a Jesuit education. It does not end with what one knows inside the classroom but it extends and applies to daily life and relationships. Tinuturo sa ateneo na madali ang maging tao ngunit mahirap magpakatao (I know both boys will excel in philo and theo subjects). Pinakita ni Robi na madali ang magpakatao dahil siya ay tapat sa kanyang sarili at sa kapwa. During his stay inside the house, Robi showed that one can enjoy being a teen without backstabbing, being melodramatic or flirting with the opposite sex. Sadly, not most Filipinos appreciate Robi's maturity and upbringing. I'm disappointed that Robi did not win the title (i know that Robi does not care much about the money) but I know that was able to influence a lot of young people. Robi showed the teens that being good is not boring, being good is actually good. In my heart Robi Domingo won the big fight, the fight that matters.
Fly high Robi and Mikee.

Ad Majorem Dei Gloriam

Meemay26 said...

My friend and I were included in the thousands of people who wished to see Robi in the flesh last Saturday. Before the show started, we are already sending our votes for Robi, when the show started and statistics showed that HM B is ahead over HM C, we were so paranoid that HM C must be Robi therefore we need to send out more votes and so we did. During the show, we noticed that votes for HM B froze to 34.34% while HM C was soaring high and continuously increasing as we send out our votes for Robi. My friend and I thought that HM C was Robi! To our surprise Ejay got the slot! And here comes the confirmation from 2331 that our votes were not counted because VOTING WAS CLOSED!! Now, where did that came from?? It was pretty clear in my sent items that I sent out the votes before it was announced that voting was officially closed!!! I have been a PBB fanatic ever since the show started. I voted for Robi because I felt that if ever he becomes the Big Winner, we will be able to erase the thought that PBB is only for the poor.. but guess what!? It turned out that it IS FOR THE POOR. Nothing against Ejay, it could have been so easy to accept when the VOTES WERE COUNTED FAIRLY!!! To Robi, continue to inspire the youth whether RICH or POOR, your ONE BIG FIGHT does not end in being a 2nd teen big placer.

dAnicamAe said...

` galing mikee .ü
` proud aqu sa gnwa mu .ü
` both of you nd robi r very smart .ü
` yet mababait kayu .ü

` keep it up !ü
` one big fight !ü

† DANICA LABBS YOU †

Anonymous said...

Hello Mikee.
Anyway I am a big fan of yours.
I really wanted to see you more in TV. But I know you will really choose studies rather than career.
I really agree to you that Robi should be the big winner.
But you know, as a Robi fan I should just accept the fact that Ejay won. Because I know Robi also feels happy for Ejay. Sabi nga ng mga co-housemates nya, Iniisip nya ang iba kesa sa sarili nya. =)

Para po talaga kayong kambal ni Robi. =)
Keep up the good work.
I hope na may multiply account po kayo ^_^
By the way, I linked you up, Sana po ok lang sa inyo. :P -Jade

Anonymous said...

SI ROBI TALAGA BIG WINNER NAMIN!! WE LOVE YOU ROBI!!

iking said...

hahahahahha

Meemay26 said...

If not too much Mikee... Do you happen to know Robi's site for his blogs? I know he writes pretty well too (just like you! nambola pah? hehehe) Thanks again and good luck in your college life..

Jem said...

Awww, i love Robi, and i already pictured it in my mind na yung name niya ang ia-announce as Big winner. Pero ayon, I was really dissapointed nung hindi siya nanalo, pero ayon, in na realize ko wala rin naman ankong magagawa kundi i-accept yon.

Wow. magka-batchmate pala kayo!!!
Yes. HAHA.

Tanong ko lang po, sa ateneo ba hanggang grade 12 or something like that yung pag aaral? Kasi Robi is 18 na, and kakagraduate niya lang. Ayon, nagtataka lang naman ako. :D:D

Jem said...

Awww, i love Robi, and i already pictured it in my mind na yung name niya ang ia-announce as Big winner. Pero ayon, I was really dissapointed nung hindi siya nanalo, pero ayon, in na realize ko wala rin naman ankong magagawa kundi i-accept yon.

Wow. magka-batchmate pala kayo!!!
Yes. HAHA.

Tanong ko lang po, sa ateneo ba hanggang grade 12 or something like that yung pag aaral? Kasi Robi is 18 na, and kakagraduate niya lang. Ayon, nagtataka lang naman ako. :D:D

Anonymous said...

robi should've won,o well.nasa side ni ejay ang luck pero robi really deserves the title :))

princessYAM said...

i admire you mikee.

i am glad that ateneo produced people like Robi and Mikee very well. kudos to your alma mater.

princessYAM said...

i admire you mikee.

i am glad that ateneo produced people like Robi and Mikee very well. kudos to your alma mater.

SPOTTED! said...

yeah i was also expecting Robi to win. :|
pero okay na rin!
what's wrong with 2nd?
as long as you did you're best that is being first..:]

Jayne said...

Dear Mikee:

In the history of PBB and all other text-vote based shows of ABS, I only voted for two people, you and Robi. I have always been your supporter. In fact, I hated PBB when it just dumped you for a Kim-Gerald loveteam at some point in the show.

For Robi, may I just say that his loss was inexplicable. It was so disappointing that I felt I will not be watching PBB ever again. There was really something fishy about the voting situation during the Big Night. I may not be able to dig deeper how he lost, but ABS should explain the many votes that were not accepted.

Even before the Bight Night, PBB was already pimping for an Ejay win when a dubious email from a fan was read during the show. If only your blog was also read in the show, it might have made a difference. Thank you for supporting Robi. I just hope that ABS is reading your blog and realize its mistake.

I'm also happy that you chose Ateneo for college. There were talks that you are going to another school. It saddened me, because I've always imagined you as someone who will be an Atenean forever. What made you stay if I may ask?

Anyway, God bless.

jisel said...

well, i really hoped that robi would be the big winner... at first, I was really really MAD about the decision but I realized that it's not the title that matters but how Robi touched my life and others as well.

to you, mikee.. i like you too... actually I see robi in you, though you also have differences, you are the reason why i watch PBB. that's all. keep it up.. by the way, will you pursue to georgetown?

jisel said...

well, i really hoped that robi would be the big winner... at first, I was really really MAD about the decision but I realized that it's not the title that matters but how Robi touched my life and others as well.

to you, mikee.. i like you too... actually I see robi in you, though you also have differences, you are the reason why i watch PBB. that's all. keep it up.. by the way, will you pursue to georgetown?

marby:] said...

You know.The truth.First,When Robi entered the PBB,I hate him much,but then,while I watched PBB,I realized,Robi is good.Hahaha.I feel so bad because I judge him kagad.Hahaha.La lhang.Share lang.hahaha,


visit my blogspot:]]
http://kawaiiloveprincess.blogspot.com

tnxx.

joana said...

i was also disappointed that ROBI didn't won the title..
but for me, and for every individual who believes in him, he's our big winner no matter what..
i'm so glad na naging housemates kau ni kuya..
kasi the two of you inspires us to be a role model..
to study well..
and to be a great citizen of this country..

GOODLUCK to your studies..
and..
if ever..at kung pede..
pakikamusta na rin kay ROBI..*wink*

thanks..
godbless..

WEENS :) said...

Kahit hindi mo alam noong nasa loob ka, marami kang buhay na naapektuhan sa mabuting paraan.

very well said.. :)

Anonymous said...

M-boy siya kasi Section M siya sa Ateneo. Kapag Section A ka (kagaya ni Mikee), A-boy ka kasi iyon ang honors section sa Ateneo High. Pero kapag Section M naman (kagaya ni Robi), honors ka sa Filipino.

enne said...

kuya mikee, may blog po din ba si robi.

i agree with what you have said. i voted for him thrice but my last vote did not "reach" the "count". so technically, i voted twice. but i always vote for him everytime he is nominated.

robi is a kind of person that every "kabataan" must be an inspiration or something. robi is a "role model" . diba?

EMAE said...

as others have said, i was expecting robi to win.

he's an atenista, but not as ordinary as others are.kahit na he's really rich and this and that, he still showed wht is he made of.wla man nging mxadong transformation na nangyari sa kanya i think he still deserves to win.

pero its over.maybe something better will come his way.

Honey Lee said...

Yeah. I thought Robi will be the Big Winner. But, the decision is over and let's just accept the fact that the viewers voted for Ejay. I believed that ROBI was a great influence for us youth. He is responsible, kind and intelligent.

mary rose said...

hi mikee!!!i'm an avid fan of yours...simula nung PBB..ang cute mo kasi at ang galing ng ugali mo, pang-dreamboy ang katulad mo. At nung pumasok si Robi sa PBB,para siyang ikaw. Subrang saya. Mas maganda sana kung si Robi ang nanalo,because he deserves to win.At gusto ko ring magcomment tungkol sa blog mo....ang ganda ng mga articles mo,super talino mo talaga...in-love na yata ako sa'yo hehehe!!