Monday, April 20, 2009

Ang Panitikan, Jologs at Sosyal

Kagabi, nagbasa ako ng isang bahagi ng librong Katha ni Soledad Reyes ukol sa panitikang Filipino. May binanggit doon na may ilang uri ng kulturang popular na hindi agad tinanggap bilang bahagi ng sinasabing "panitikan." Kabilang sa mga nabanggit ang pelikula, ang komiks, mga dulang pangtelebisyon, at mga programa sa radyo. Isa sa mga unang nabanggit na dahilan ng hindi agarang pagtanggap sa mga ito bilang panitikan ay "walang puwang sa kurikulum ang pag-aaral ng kulturang popular." Kulang ang mga batayan para sa masusing pag-aaral noong mga panahong ito, kaya hindi natanggap ang mga ito bilang bahagi ng panitikang Filipino. Nabanggit din na sa elitistang pananaw ng marami, mababa ang tingin sa mga komiks at pelikula. Subalit hindi raw malinaw ang mga batayang "high-brow" at "low-brow" na ito, at napaka-subhetibo. May mga binanggit na ilang akda at likhang dati'y itinuring na pang-masa (sa negatibong konotasyon), na ngayon ay bahagi na ng "mas matalinong" kamalayang Pilipino.

Kahit ano naman ang mangyari, sapagkat ang panitikan ay maituturing na salamin ng buhay, gaano man ito ka-panget o ka-ganda sa ating paningin, ito ay may tunay na halagang magaggamit. Nakaiirita man o nakaaaliw na pakinggan para sa iba ang pagbirit ni Manny Pacquiao sa radyo ng "Filipino ang lahi ko!" sumasalamin ito sa kaniyang kasalukuyang kasikatan, at kung anu-ano pang maituturing na mapa ng panitikan at kulturang Pinoy sa kasalukuyan. Iba-iba ang pagtrato sa panitikan sa bawat panahon, at sa aking palagay, nagbibigay ang mga pagtratong ito ng magandang kulay sa ating lipunan.

Subalit, makulay man ang iba-ibang pananaw ukol sa kulturang popular, ang subhetibong elitistang pananaw ay nakakukulong. Karaniwan, iniisip ng elitista na kapag may taong mahilig sa Pinoy shobis, jologs siya, at hindi marunong tumingin ng tunay na art. May ilang taong matatawag na music snobs, sapagkat pinipilit nilang tanggalin sa kanilang mga buhay ang anumang musikang popular, at pinipiling makinig sa musikang tingin nila ay hindi kilala, mas trip ng kritiko, at mas aral. Sa kahit anong panahon, ang ganitong klaseng pag-iisip ay naging batayan ng katayuan sa lipunan. Kung jologs ka, Wowowee at mga mall show ng paboritong artista ang hilig mo. Kung sosyal ka, Gossip Girl ang hilig mo, Art Gallery ang lakaran mo, at Makati ang first or second home mo. Bawal maging sosyal ang taong walang alam sa tunay na 'culture.' Nakakukulong 'di ba? Upang makilala mo kung ano ka sa lipunan, parang may mga nakalathala nang mga dapat mong kahiligan at ayawan? Mahirap.

Pero siguro, puwede rin namang mamili mula sa dalawang mundo. Best of both worlds, ika nga. Hindi naman yata mahalaga ang iniisip ng iba, basta wala kang sinasaktan, at nananatili kang masaya. Minsan lang siguro talaga, sa ating pakikipagkapwa-tao, sunod lang tayo nang sunod sa daloy. Gaya ng isang likhang pampanitikan, kung trip mo ang 'jologs' ngayon at kamumuhian ka ng mga mayayaman na iyan, huwag mag-alala. Uunlad din ang pag-iisip ng marami balang araw, at magiging katanggap-tanggap ka rin. Iyon ay kung mahalaga pa iyon. 

23 comments:

dana canicosa said...

hi mikee! i like your post. sana, mabasa ito ng marami upang mas maging bukas ang kanilang isipan ukol sa isyung ito. sa aking palagay, ang colonial mentality ay isa rin sa mga dahilan kung bakit ganito ang pananaw ng karamihan sa atin sa mga pelikula at iba pang gawa ng pinoy. sana nga, balang araw, matutunang tanggapin ng ating lipunan, lalo na ng mga elitista, ang panitikang pilipino. naniniwala ako sa husay at talento ng mga pilipino pagdating sa mundo ng panitikan. malay natin, ito pala ang isa sa mga solusyon upang umunlad ang ating bansa, diba? enjoy your summer! -dana =)

jay said...

magpakatotoo! yon lang naman para maging masaya sa buhay di ba?

Anonymous said...

wow! the guy can write too! i totally agree with the "sort of description" of your blog that a lot of people (maybe your fans) check out this blog as regular fans do to learn more about you. i also hope for them to read not just the artista stuff but get the chance to know you better through the things that you write about.

and is it ok to put the melting pen link on my blog?

more power!

blueflame said...

hi mikee!! marami talaga akong natutunan sa sa iyo. keep updating your blog ha!? Idol!!

Anonymous said...

hi i agree on your blog it talk about our situation today.....



ask ko lang kung kailan you gagawa nglead role kasi parang nawawala ka naman sa circulation... need reinvent yourself para mapansin ka..... i hope mabasa mo ito....

Lorraine said...

LOL, I'm not into discrimination kasi may dugong Pilipino din naman ako. haha. Pero I dunno, napansin ko lang, karaniwang nagiging 'jologs' ang isang bagay (for instance, The F4 thing) dito sa atin kapag tinatangkilik ng maraming Pilipino. I mean, un nga, look at the F4 ngayon, whenever I mention them to some of my friends parang, sasabihin nila, "ang jologs mo naman", or kaya "ang korny..eww". Well in fact hindi naman talaga sila naging korny sa taiwan ngayon.=P

Anonymous said...

Mikee, hoping to read more about your insights. Update regularly. Keep it up.

Anonymous said...

ikaw mikee anu ka sa dalawa ? ;]

jphilipguerrero.dumaguete said...

ei! haven't watched pbb (was a die-hard kapuso; now i don't watch tv at all) so that i wasn't with you every step of the way in your bahai.ni.kuya times, haha. but i know that from your looks alone, you possess that charisma that made obama become the first black president of america. honestly. that's why i am sooo rooting for your success. no, i'm not trying to suggest that you consider politics in your career path (although if you may, i'd be soo glad), but one thing for sure: what you've been doing has truly inspired those people who directly or indirectly encountered you. for me, seeing you is a breathe of fresh air to this sick/the fallen kind of country you don't even want to mention. i kind of feel bad a bit with the exposure you get; and how they're heavily capitalizing on young stars who'd willingly promote drunkenness and sex and similar stuff to the kabataang pinoy.

rizal could never be prouder of you.

-DC- said...

sa wakas....
tingin ko lang,
jologs din nman yang
mga sosyal na yan,
sosyal na jologs nga lang,
hnd mahilig s wowowee
pero mahilig s gossip girl
at kung anong ka-sosyalan...
xempre yun ang gusto nilang
maabot,
basta mga jologs din sila,
sa mata ng nakatataas sa kanila...

may sense b? hehehe...

-DC-

Anonymous said...

hi mikee..

-DC- said...

sa wakas....
tingin ko lang,
jologs din nman yang
mga sosyal na yan,
sosyal na jologs nga lang,
hnd mahilig s wowowee
pero mahilig s gossip girl
at kung anong ka-sosyalan...
xempre yun ang gusto nilang
maabot,
basta mga jologs din sila,
sa mata ng nakatataas sa kanila...

may sense b? hehehe...

-DC-

Unknown said...

Mikee bro, di mo na siguro ako natatandaan pero isa ka sa mga rason kung bakit ngayon me blog ako at heto marami ng post, mabuti inupdate mo na blog mo,
napakalalim ng mga tagalog mo at ako ay sumasang ayon sa iyo, nagkakaroon kasi ng batayan o panuntunan kung ano sukatan ng katatayuan natin sa buhay, pag jologs ka friendster ang gmit mo at kung sosyal ka facebook ka, sa totoo lng wala nmn batayan ang lahat ng ito, hindi nasusukat kung ano ka sa lahat ng binabasa o pinapanood mo, ewan ko ba saan nagumpisa eto

bianca said...

Hi Mikee, I lurv your post talag, ewan ko nga ba why there are people who try to be sosya e in the first place naman alam nila at hindi nila ito kaya, sometimes nga ee, you have to tell the trith. Ika nga sa kanila, The truth hurts but the lies worst, diba? I hope lotsa people will read your post ng magising sila, Global financial crisis ay hindi masasalamin sa bansa, dahil ika nga sayo may mga taong sosyal sa mundo Soyal Climber Ika nga...

klodin said...

marami nga sa mga "sosyal" ang ayaw sa shobuz. Naaalala ko ang isang pelikulang pilipino na pilit na itinatago ng bidang babae na siya ay nanonood ng mga teleserye dahil baduy raw ito.

saka napapansin ko rin na lahat ay mahilig sa mga palabas mula sa ibang bansa, parang walang binatbat ang mga lokal na palabas.

sa tingin ko hindi basehan ang iyong mga pinapanood para masabing sosyal ka o jologs. hindi ibig sabihin na kapag nanonood ka ng wowowee jologs ka na. naghahanap ka lang ng kaligayahan kaya nga tinawag silang entertainment show para matuwa ka. wala naman sigurong status show di ba?

Anonymous said...

Hi Mikee! Long time no post. Update! Kmusta summer classes mo? Blog!

aaron said...

your blog is worth reading. hope you'll keep on psting blogs like this. i'll watch out for it.
: )

Munggs OrdoƱez said...

nakakatuwang basahin itong isinulat mo. nagulat ako dahil may nagbabasa pa pala ng mga tekstong minsan nadededma lang sa library o kaya design lang sa bookshelves ng kung saang bookstore dahil hindi rin pinapansin.

galing!

up up and away :D

Lorraine said...

Hey Mikee, magpost ka naman sa quality education ng schools/universities dito sa ating country. Not only about quality education but also about ung systema ng pamamalakad.. hehehe. Tinatamad ako magpost ng something about that.. XD

mark anthony obsioma said...

bilang nasa larangan din ng panitikan... nagustuhan ko ang iyong panananaw ukol sa kulturang popular...

Anonymous said...

hi mikee. hope to see you soon on tv. wala ka na pala sa lipgloss? i hope na makagawa ka ng magandang movie just like il mare. i believe that you can act better than gerald. you can do it dude! ang tanga ng abs na hindi ka binibigyan ng project. you must maintain the good-intelligent boy image parang yung guy sa il mare and yung character ni kon sang woo sa love so divine...hehe. i'm still a kim-mikee fan...

Mikee said...

oh man. maraming salamat sa inyong pakikisangkot sa mga isyu sa blog na ito. maraming salamat. and siyempre, salamat sa suporta. bihira ako maka-respond, pero salamat talaga.

neajoctaba said...

i totally agree. dapat walang makelam sa kung ano ang trip mo sa buhay.

anyway, hindi kaya may differences ang dalawang dulo ng estado dahil ang mga "kulturang" ito mismo ay sumsalamin sa kanilang way of living. i mean, mas nakaka-identify sila dito.

and tignan din natin 'yung quality ng mga movies, books, etc. related kaya sa kung ano ang estado ng pamumuhay? lalo na dun sa mga nakakaintindi at hindi masyadong nakakaintindi ng Tagalog?

sorry, magulo. haha.