Huwag mag-alala kung hindi mo nakukuha ang mga bagay na ninanais mo...
Ang kwento ng tatlong puno ay hanapin mo sa Google ("Three Trees"). (Hanapin mo talaga ah, at basahin mo. Hindi ko na nilagay dito para 'di ako mapahamak muli.) Hindi lahat ng bagay ay makukuha mo, pero may makukuha ka na higit pa, pero siyempre sa mata ng Diyos 'yun, pero pagtiwalaan mo Siya, hindi ka naman Diyos eh.
Isang halimbawa: ang kapatid ko, na 'di marunong magbasa ng nota, subalit may galing sa pag-awit ay natanggap sa Ateneo Glee Club na nanalo sa Grand Prix sa Europa. Hindi naman niya inasahan iyon, basta unti-unti na lang daw bumigay at umalis ung mas magagaling sa kanya; hindi na nakayanan. Eh siya, kaya niya, kahit inaamin niyang may mga mas magagaling. Talaga sigurong para sa kanya iyon, tawagin pa nating suwerte.
Isipin mo ba namang tumakbo para sa pagkapangulo si FPJ? Hindi naman inaasahan iyon eh, pero nangyari, at sa aking haka-haka, nais tayo gisingin ng Diyos... Sa paanong paraan, marami, at siguradong nasa utak mo iyong mga bagay na iyon.
Isipin mo ba namang kahit anong hadlang at hirap na mapagdaanan mo ay nalalagpasan mo, tapos magugulat ka pa, sapagkat hindi mo iyon inasahan. Kay sarap ng pakiramdam, ngunit sa bawat pagkakataon, isipin na may mensahe sa iyo at sa mga tao sa paligid mo ang pangyayari. Maaari rin itong maging masama, kaya mag-ingat.
Basta ganito...
May mga bagay na mabibigo kang makamit, subalit huwag mag-suicide, sapagkat may makakamit kang mas mabuti, pero pag-isipang mabuti ang bawat pangyayari. Malay mo, lalo kang suwetehin kapag tama ang iyong sunod na galaw...
4 comments:
I love you mikee. :) Promise next year I will arrange a soiree with your section and my room NYAHAHA.:)
HELLO MIKEE GUS2 LANG KITANG MAGING FRIEND!! PWEDE BA IKAW C MIKEE AKO SI KEMY HEHEHHEEH.....
http://kemykhulet.blogs.friendster.com/my_diary/
WWW.FRIENDSTER.COM/KATRINYUSI
WWW.FREEWEBS.COM/KATRINYUSI
ive got to admit, i only read this blog cause i know you from tv. but after reading your entries (and three trees), you actually made me feel better. it's as if you know what im going through. haha. thanks a lot. i just want you to know that.
-aya
this post really helped me a lot (esp. the three trees) because i am on this stage of why's. having such questions is soo hard to resist. i know this blog is soo long ago anyway thanks for posting :)
Post a Comment