Pasensiya na medyo matagal na rin akong hindi sumusulat dito ah. Nakakain kasi ang oras ko nga mga kung anu-ano sa eskuwela. Ang maganda naman doon, marami akong nakakalap na bagong pagkatuto na puwedeng pag-isipan. Kaya ito, mag-Filipino muna tayo.
Napanood niyo na ba iyong Strangebrew nina Tado at Erning, iyong pinalabas dati sa UNTV, tapos sa Studio 23? Sa nakaraan linggo kasi, nagkaroon ako ng pagkakataon na balikan iyong mga lumang episode nito. Natutuwa naman ako, kasi ang sasaya ng mga episode noon, at kakaiba rin talaga ang lapit nila sa pagkalap ng impormasyon sa pamamagitan ng mga panayam, at pag-arte nang nakakatawa. Kung ako sa inyo, papanoorin ko ngayon iyong mga lumang episode noon sa Youtube. May naglagay.
Kaya bigla naman akong nahumaling muli sa Strangebrew ay sa klaseng Filipino kasi namin, naisip namin ng kaklase kong si Jico na iyon ay gawing presentasyon sa isang sagala sa loob ng paaralan. Subalit, bago namin ito magawa, kailangan namin makumbinsi ang kagawaran na may kahalagahan ang napili naming tema para sa manoonood na Pilipino. Naisip namin na baka naman may matututunan ang manonood sa kung anu-anong pinag-uusapan sa Strangebrew. Totoo naman, na sa dinami-raming nironda nina Tado, marami nga namang matututunan ang mga manonood hinggil sa Maynila at iba pang lugar, sa nakakatawang paraan pa. Matutuwa na nga sila, matututo pa ng bago. O 'di ba? Puwedeng puwede?
Kaso, naisip ko rin na sa kahit anong bagay naman may matututunan ka 'di ba? Kahit na yata sa simpleng pagkain ng tsokolateng Magic Flakes, may matututunan kang bago 'di ba, kahit gaano kaliit? 'Di ba? TAMA! Kaya ito, kailangan pa naming isipin kung ano ang iba pang kahalagahan ng Strangebrew.
Bakit nga ba pinapanood ang Strangebrew? Dahil kay Tado 'di ba? Dahil kay Erning 'di ba? Dahil kay Jun Sabayton at Ramon Bautista 'di ba? TAMA! Natutuwa talaga tayo sa kakaibang lapit ng Strangebrew sa mga pinakakaraniwang bagay. Nakakatuwa siya. Papanoorin ba natin ang palabas na iyon kung gusto lang natin matuto ng tungkol sa Tubero, Barko, at MRT? Malayo yatang magkaganoon. Sobrang astig ng pagkakagawa ng Strangebrew kaya tayo na-hook. Iilan lang ang kagaya ng Strangebrew kaya natin siya pinanood. Bago ang konseptong iyon noong panahong iyon, at natuwa tayo. Masaya lang tayong panoorin iyon.
Ba't nga ba ako naghahanap pa ng ibang kahalagahan? Napakahalaga nga pala ng kasiyahan, lalo na kung kakaiba ito. 'Di ba nga ang karamihan ng tao, naghahanap lang ng kasiyahan sa buhay? Iyong iba nga, kapag masaya na, wala nang ibang hinahanap eh.
Minsan, natatandaan ko, parang natanong ni Tado sa Strangebrew sa isang taong mahilig makipag-gagambahan (o larong pinaglalaban ang mga gagamba) kung ano ang maitutulong ng ginagawa niya sa bayan. Siguro, naisip ng taong iyon, kahit hindi niya marahil nasabi, na "Masaya ito eh." Iyon na iyon.
Kaya kapag oras mo nang matanong ukol sa ginagawa mo, huwag kang mag-alinlanngang sabihing, "Masaya eh," lalo na kung ito ang totoo.
41 comments:
mas gusto ko yung mga tagalog post mo.
wow, salamat ah.
wow.. ang gaLeNg nMn... GaLenG nG wRitIngs Mu d2 aH... :D
Hi mikee! Add mo naman ako sa fs? *smiles* shin.raito14@gmail.com -tnx!
ngayon ko pa lamang nababasa ang pinagpublish mo pero napakaganda...sa iyong mga pag unawa sa mga bagay bagay talaga nga namang napakagaling!hanga ako sa iyo!
Gud eve,bka pwede naman po n ilink you aq.thank you,
www.mangninilaynilay.blogspot.com
alam hanga aq sau kc yung mga nila2gay u or yung post u my kwenta pra doon sa mga taong marunong mag-isip at naka2realize ng mga naba2sa nila ng write ups u,
sana pag patuloy u p yang gawain u nyan,ska diba college kana?ano kinukuha yung kurso?
ska sa college marami k pang matu2nan
at maisu2lat p...
ngat k palagi at God Bless..
Natuwa naman ako sa entry na ito.
Ang sabaw in a good way...
TAMA!
;)
aii uu nga, astig ng strangebrew. pinapanood ko rin yan before. hahah buti naman may nag-upload sa youtube.
:)
listen to Brewrats! They're all there :D tado, Ramon and Erning :)
too bad, di namin napapanood ang strangebrew..ito'y dahil banned sa bahay ang panonood ng TV! anyway, based sa blog entry mo, mukhang masaya nga panoorin yan! super looking forward sa next entry mo...
P.S. superb ang pagtatagalog mo!
TAMA! hehehe! meron silang radio program sa 99.5 tuwing 9pm-12mn. mon-thurs. brewrats naman ang tawag. si erning(angel),ramon,at tado yun. hihihihi! galing galing
Oo Mikee. mas gusto ko rin ang mga tagalog mong posts. =)
nga pala, nang nalipat ang Strangebrew sa radyo, naging Brewrats. alam mo na ang dahilan kung bakit ko ito pinakikinggan bandang 11-12 ng gabi. "Masaya eh."
kaso di na ako nakakapag-radyo ngayon. XD
Mikee, congrats dahil napili ang proposal niyo para sa Sagala ng mga Sikat! Weeee, good luck sa inyo! :)
simple things are the best things in life. sabi ng papa ko, minsan, mas masaya pa daw ang mga mahihirap kesa dun sa may kaya o elitista (in some ways) kasi kahit yung simpleng grocery lang na maibigay mo sa kanila, tuwang-tuwa na sila.
"mas mabuti ng mahirap kesa naman umaapaw na yung kayamanan. kasi dun mo makikita ang kahalagahan ng isang simpleng bagay na hindi naman nakikita nung mga nakakataas. mas masaya yun." sabi ng papa ko. :)
di ba, tingnan mo yung mga bata, mabigyan lang ng candy, tumitigil na sa pag-iyak. simple, kasi hindi kumplikado.haha
agree ako, kay chadchad, maganda post mo pag tagalog. :)
keep it up mikee. :)
Congrats!! You got in, diba?.. Goodluck.. more than 200 daw ang entries..
Kayo pala ang Fil block na nakakuha ng "Strangebrew". Gusto rin sana iyon ng block namin, kaya lang, nahuli na ang pagsabi sa amin ng prof namin sa Fil... Dayaaaa!
Di ako makapaniwalang gusto mo rin yung Strangebrew. Haha. Try mo makinig sa Brewrats ng Campus 99.5 FM, Mondays to Thursdays, 9-12pm. Syempre di mawawala dun si Tado at Erning, haha! :D
parang kakaiba ang pagsulat mo ng tagalog... ito yung opinyon ko... parang may mali s mga pandiwa at s pag-ayos ng mga pangungusap...
ganun pa man ayos n rin dhil lhat ng Pilipino mauunawaan 'to...
ang sarap kc gamitin ng tagalog lalu n s ibang bansa... dun mo mararamdaman ang pagka-Pilipino mo... hnd k mapagkakamalang intsik, hapon, malaysiano at kung ano pang ibang lahi... nranasan ko n kc nung ngtagalog ako, my kumausap s kin at ang sabi "pinoy k pala, kala ko ibang lahi"....
-DC-
i lke you talaga? can we still see you at y speak?
tagalog talaga. kakaiba ang transition period ng english posts to tagalog posts. parang......
:D
may tanong ako. sa last post mo pa tinanong ko to.
uulitin ko nalang, retype.. ay mali. copy, paste. :D
"uhm. this is a weird question but hey, why not give it a shot.
"where can i watch your two year old episode with kim sa your song?"
eeeee. naman.! gusto ko mapanood. tsk.
-mich. tnx. ;)"
ay..
wala. nevermind.
-mich. :D
hi! poh. i'm a big fan of yours since pbb times pah. hahahaha!! la lahn puh share.
anyways. astig poh mga posts niu...
Gud eve, bak pwede namn po mag pa link, sa kadahilanang gzto q lng mabasa rin ng iba yung mga gawa q,kc alam q may matu2nan din cla pag nbasa nila...
www.mangninilaynilay.blogspot.com
thank you
God Bless
wow ang galing mo mapa English o Filipino write-ups ha!
hehe siguro yung province mo north luzon...hehe sabi nila malalim daw ang filipino ng mga taga north haha... well malapit na ang "Buwan ng Wika" sa august na haha tamang tama ang filipino write-up mo.
I heard you got in sa Sagala. Kami rin! Good luck sa atin! I really want to see what your class can do ;)
Mikee, mas magaling kang sumulat kung Filipino.
I did watch ur interview with Mr. Ureta i dont know the title of the show but on the show u did talked about ur blog so from them on i've been a constant reader of your blog, though I am older than you, I was inspired to have my on blog.So now I have my own.
Thanks for the influence.
Gudluck Mikee!
hi mikee..
ur posted writing are soooo great..
1st tym ko mg.read ng articles mo
and i find it very interesting..
Try to listen to BREWRATS. =p~
ITSALATOFAN! XD
baka maliban din sa saya na bibigay ng mga patawa nila tado sinasalamin din nito ang mga karaniwang buhay ng mga pilipino at ang mga pang-araw araw na pagtuklas natin sa mga bagay bagay na nangyayari sa labas ng silid aralan at mga katanungang matagal na nating nais itanong na hindi natin naitatanong dahil sa pangamba na isipin ng iba na wala itong saysay.
Ano sa palagay mo mikee??? agree ka ba?
pero alam mo dahil sa blog mo ngayon mas na-appreciate ko ang pag-usisa ni tado sa strangebrew.
mahusay!
Galing! Ur inspiring many people...and giving us thoughts of wisdom!
Exchange naman po tau ng linkS!
http://cyberfires.blogspot.com/
http://jonasbrotherssite.blogspot.com/
thanks...im looking 4ward on it! Salamat Bro!
Mikee ang galing mo talga! hanga talaga ako sa iyo. I'm looking forward to your new posts.. hehe
Mikee! Newly-discovered blog of yours. *evil laugh* Too bad i only have my multiply. Anyway, magkapitbahay pala tayo!
May katuloy ang Strangebrew sa Radyo Mikee, sa 99.5 Campus Radio. Sila Tado, Erning (DJ Angel) at Ramon Bautista. Title ng show nila ay BREWRATS. Tuwing Lunes-Huwebes, 9pm-12mn :)
hi!
i really like everything that you write here in your blog... you'll really learn something from it and i'm hoping na sana mag-post ka na uli? i'm really looking forward in reading your post... thanks!
-sheena-
no updates? update update update!! hahaha
Ang tagal ko nang di nakakabisita dito ah. Ang galing ng tagalog post mo, keep it up!
http://angelicaprieto.multiply.com/journal/item/88/Bridging_the_diVide
Listen to the brewrats.. sa 99.5.. andun sila.. rats for ramon, angel and tado show. hehehe..
i see you haven't updated for quite some time .. hehe.. pa-update na lang ng link ko dito .. the old one is http://kellykohan.tk (named "Vichelle's blog") i provided my link sa name ko.. :) and i linked you up na rin.. thank you..
i am one of your fan since PBB..
and now, i found your blog, mas lalo tuloy akong nainspire!
kuia mikee, nice posts. Im also watching strangebrew nung mayroon pa ito.
hehe... nice talaga.. thanks for being an inspiraTION. mas ginanahan tuloy ako. One Big Fight! aja aja!
link mo naman po ako.. http://woiyalvrauder.blogspot.com
mak here pala kuia:]
hahhahahahhahahah
you're so cool po..
galing mo po magsulat..
pwede ka pong maging features writer..
:)
sulat ka n....
ang daming naghihintay...
sana tagalog...
c kim at gerald atbp. ngpunta d2 s italy...
sayang dpat nksma k...
-DC-
ang galing po at ganda ng mga posts mo. i'm a fan po.
>>chris.tine
p.s
baka po pwede kita i-link at kung ok lang po i-link mo po ako... :]
thanks po in advance!
Post a Comment