Sunday, May 24, 2009

Nagkakaroon na ng Bagong Identidad ang Pilipinas

Alec Baldwin. Tama ba ang ispeling? Alam niyo ba, sa ngayon, hanggang picture na lang ang makikita natin sa kaniya, kasi, blacklisted siya dito sa ating mahal na Pilipinas? Nagbiro kasi siya nang masama ukol sa mga Filipina mail-order wives, na bawal daw. Nabawasan siya ng mapupuntahan sa mundo, ang Pilipinas. Kawawa naman siya, hindi niya mapupuntahan ang napakagandang bayan natin.

Sa sobrang kagandahan ng ating bansa, at ng mga nilalang dito, nang magkaroon dati ng isang linya sa palabas na Desperate Housewives na “Can I just check those diplomas because I just want to make sure that they are not from some med school in the Philippines,”  hiningi na naman ng maraming Pilipino (at siyempre, hindi nawala ang political grandstanding) na humingi ng paumanhin ang produksyon ng palabas na ito.  Nakasasakit kasi eh.

Sa totoo lang, ang pinakanakagawa ng ingay na may kinalaman sa pagkakakilala sa mga Pilipino sa mundo ay ang ginawa ni Chip Tsao, isang Tsino, na pagsusulat ukol sa pagiging land of servants ng Pilipinas. Natural, maraming diskusyon muli ang naganap, sa napakarilag na Pilipinas.  

Hindi lang iyan, sa Baguio mismo, persona non grata na raw si Candy Pangilinan, isang Pilipina rin, sa kaniyang pagsabi na tao siya at hindi Igorot (at mukhang nagkamali lang naman siya sa pagsasabi ng gusto niya talagang sabihing 'di naman gaano kasakit). 

Nakikita ko na mula sa libel ng mga rehiyon hanggang sa pakikitungo sa ibang bansa (basta may kinalaman sa media), parang napaka-kritikal ng mga mamamayan sa ating bansa, lalo na ang mga may boses sa lipunan. Kaunting 'di umano'y pagyurak sa pagkatao ng Pilipino, umaaray na, nag-iingay, at humihingi ng paumanhin.

Pagkatapos mapanood ng mundo ang Slumdog Millionaire, siguradong mas maraming nasabing kababuyan na ikagagalit ng India ang nakararaming mamamayan ng mundo. Marami rin namang mail-order wives na hindi Pilipiino. Marami rin namang doktor na hindi magaling na hindi Pilipino. Sa mga servant o katulong, marami ring Espanyol, Amerikano, o hindi kaya'y mga Aprikano.  Totoo rin namang may istatwang Igorot.

Ang pipikon ng mga Pilipino. Iyan marahil ang sunod na maipipintas sa atin, at siguradong susulat na naman tayo para humingi sila ng paumanhin.

Relaks lang kasi. National identity is nourished INSIDE the nation.

22 comments:

cookai said...

hello!nice post by the way.nakakalungkot talagang isipan that we Filipinos are receiving insults here and there.Nakakasakit nga naman minsan ng loob kasi ginegeneralize nila.anyway,the best thing we can do is to prove them wrong and uplift the name of our nation. =)

-DC- said...

ewan ko nga ba kung bakit napakamaramdamin ng mga Pilipino. Siguro dahil sa karanasan nating lahat sa buhay. Sabi nga nila "hindi pare-pareho ang tao" tulad na lang ng mga daliri natin.
O, dahil kaya sa paraan ng ating pag-iisip... iba-iba kasi tayong magbitaw ng mga patawa, yung kay Ms. Candy, dapat hnd nya sa Baguio cnabi yon, cguro kung sa ibang lugar mas marami ang matatawa. yung sa kano iba kc cla mag-isip. at yung sa instik, hnd biro ang cnabi nya, paghamak na 'yon sa mga Pilipino...
basta sa buhay, ang pikon ay laging talo...

ingat lagi...

-DC-

luther said...

galing mikee! bullseye talaga ang sinabi mo. bakit talaga tayong affected sa mga panlalait sa ating mga Pilipino? E, it is the reality. Imbes na mapikon tayo at maging defensive, dapat magsikap tayo at ipakita sa buong mundo na may ibubuga ang Pilipino. Ang mga panlalait ng ating kapwa ay parang imahe lang yan sa salamin na kanilang nakikita sa atin. Hindi sapat na magdemanda ka na humingi ng paumanhin ang nanlait. Hindi nito binabago ang katotohanang hindi ka maganda sa kanyang paningin. Sa halip, aminin mo na hindi ka maganda, ayusin mo ang sarili mo at ipakita sa kanya na may igaganda ka.

Anonymous said...

wait, you have a film right, the forgotten war. ipapalabas ba to dito sa pinas? what's your role pala?

bfrances said...

kung minsan nga, ang bilis nating mapikon sa mga pamimintas. ang sabi nga nila, ang pikon ay laging talo.

kung alam ng mga taga-labas kung anong pinagkakaguluhan sa pilipinas ngayon, siguradong may kapintasan silang ibabato ulit sa atin.

mas kinakailangang patunayan natin sa mundo na maraming bagay pa rin tayong maipagmamalaki bilang mga pilipino

bampiraako said...

tama si Luther.

Paano nga kung si Alec Baldwin ay isa lang sa mga salamin ng imahen ng Pilipinas? kailangan kaya nating basagin ang salamin dahil masakit sa mata ang repleksyon nito? baka kailangan nating palitan o kaya takpan? Baka naman kailangan nating tingnan ng mabuti ang repleksyon natin sa salamin. Malay natin kulang lang tayo sa paligo, magulo lang yung damit o kaya di lang tayo nakapagsuklay. Baka kailangan natin baguhin ang ating sarili para pag tumingin tayo uli sa salamin, isa nang pogi, maganda, maayos at kaaya-ayang repleksyon ang makikita

Nice post.

Lorraine said...

okay.. winner post! haha.. in my opinion naman... dapat ba talaga nating gawing big deal nga naman ang lahat ng discrimination sa atin? I mean ginagawa din nating mga Pilipino sa iba yun diba? I've heard some people discriminating chinese people here in the philippines.. Siyempre, nasasaktan din ako dahil may chinese blood ako diba pero bakit wala naman ginagawa ang china?

Agaton said...

minsan nakakalimutan natin na may mga pagkakataong tayo din mismo ay nakaka-degrade sa ibang bansa. pero siempre, kapag tayo na ang nasa gitna, hindi tayo nagpapatalo kaya napipikon tayo. nice post mikee.

docgelo said...

higit sa pagiging sensitibo, maraming pinoy ang (tama ka-) PIKON! mahusay manghusga at mamintas ang karamihan sa atin, ngunit sila man pikon din!
hindi ko sinasabing ipagwalang-bahala ang mga ganitong bagay, ngunit marami pang mas mahalagang issues ang bansa tulad ng kahirapan at korapsyon na dapat bigyan ng tuon higit sa "imahe" ng bansa sa ngayon. thanks!

Unknown said...

May pagkakahawig ata ang ating mga opinyon. Magaling! Hehe. Maganda ang iyong blog. Malaman. :)

Narito ang opinyon ko: http://ahaldrin.blogspot.com/2009/05/because-we-do-have-mail-order-brides.html

Anonymous said...

Bakit nga ba pakiramdam ng mga Pilipinong lagi na lang tayo ang agrabyado? Sa bawat pamumuna ng mga maimpluwensyang personalidad sa Pilipinas, naisasalamin nito ang isang bayang hindi sigurado sa kanyang identidad at isang bayang napakasensitibo sa mga bagay na ayon sa mga banyaga'y isa lamang inosenteng biro.

Sa totoo lang, para sa akin, si Alec Baldwin ay hindi dapat pinatawan ng persona non grata sa Pilipinas. Dahil unang-una, siya ay kilala bilang isang komedyante na sadyang nagbibitaw ng maliliit na biro sa bawat interview sa kanya. At lalong-lalo nang wala naman siyang intensyong gawing katawa-tawa ang mga kababaihang nagmula sa Pilipinas.

Sana 'di pa huli ang lahat para tayo ay magmukhang isang bayang insecure. Mas kilala nating ang ating mga sarili higit pa sa kung sino mang bansa. Mabuhay ka, Pilipinas! :)

Anonymous said...

hi i just comment on your blog i know its late but i hope it works... in my opinion is that they must respect our country beceuse we serve them the best we can and they must repay us ina nice way.....


i just read last month yung k-text mo ask ko lang ung movie pagsasamahan niyo ni aldred ba ay bente.... and last last sana may project na ibigay sa iyo both tv5 and abs-cbn because sayang almost 3 years ka na sa showbiz wala pa you big break..... i hope sana mapanood ka ulit....

ram raquid :) said...

sorry, i don't get your point. :)

may tinatawag kasi tayong "image" or 'yung what others think about us.

so okay lang bang ipublish ng isang kolumnista na "si mikee ay isang adik." ?

kung sa mga product lang nga eh super ingat na sila sa "dating" [Tagalog] nito. kasi the point ay may EPEKTO ang claims/thoughts/reviews ng iba [aminin man natin o hindi].

paano pa kaya kung pagkatao mo na, at mas malala, kung ang bansa mo na 'yung nasisira?

at eto pa: 'yung mga paninirang ginawa ay walang basehan [meron nga ba, as in statistics and studies?].

ingats. :)

HOMER said...

Great Post Mikee!! anyway, that's the problem with image, when you belong to a group and when someone did something to put a blemish on that image everyone in the group suffers. But still we have a way to prove people that for every basket of apples there are always rotten ones.

First time here by the way, will include you in my blogroll so I can come back. :)

Joel said...

okay lang naman sana ang maging sensitive, pero ang magkaroon ng mga ganyang reactions eh sobra na talaga, OA na..

Hindi naman dapat isipin na inaapi nila tayo, meron lang silang napapansin sa atin na kung iisipin mo ay tama din naman.. Hindi ba makakatulong pa nga yun para mapabuti pa ang kung anu man ang dapat nating ayusin..

suuue said...

mmm... this entry sounds familiar. was it taken from 'Word of the Lourd'? Lourd de Veyra tackled the same things, same conclusion. just wondering.

neajoctaba said...

you know what, i remembered an episode of a TV show about this sa kasagsagan ng DESPERATE HOUSEWIVES controversy.

'yun nga, masyado tayong pikon sa mga jokes ng ibang nations about sa pinas, pero kung titignan 'yung nature ng mga jokes natin, kasing-lebel lang ng binato nila saten. e.g. HAPON-AMERIKANO-PILIPINO jokes. and the INDIAN jokes. etc.

--> sorry, ang late ng reaction, ngayon lang ulit naka-visit sa site mo eh. hehe.

take care mike.

Jaypee David said...

hey there mikee.... :)
thanks for sharing....
link kita...
id be happy if u cud link back..


-enJAYneer-
JAYtography: An Online Travelogue and SEO Site

Mikee said...

Natutuwa naman ako doon sa mga nakikiayon na kahit papaano, hindi naman siguro dapat masyadong ginagawang big deal ang mga biro ukol sa ating bansa at mga tao. Ukol naman doon sa punto ng imahen at kung papayag akong isulat na adik ng isang kolumnista balang araw, lilitaw naman ang isyu ng tamang paglilibel ("level," hindi libel na pagsisinungaling laban sa iba) sa mga ganitong kumento. Siyempre, wala namang taong may gustong matawag siyang isang bagay kung hindi siya ganoon, subalit, pipiliin din dapat ng taong iyon kung kailan siya aaksiyon laban dito. Kung biro lang naman ang paratang, at isinulat para sa isang maliit na komunidad, maaari na itong palampasin. Kung "matter of massive career concern" naman ito, at ginagawa nang demolishon job, baka kailangan nang gumalaw laban dito. Si Alec Baldwin naman walang balak pabagsakin ang pangkalahatang imahen ng Pilipinas. Kaya relax lang.

Jeremy said...

I guess, your post is related to my blog entry... right?

http://jeremy-romero.blogspot.com/2007/10/desperate-housewives-on-philippine.html

EngrMoks said...

Nice Post!
Tama nga yang ginawa nila sa Hollywood actor na yan... sayang at tagahanga pa man din nya ako..pero sa ginawa nyang yan tama lang at nararapat na hindi makatuntong sa Pinas...

archiemb said...

didn't know that Identidad is a tagalog term natin sana Pagkakakilanlan...anyways, inevitable na kasi mawala sa atin yang ganyan eh...kasi kahit na inaapi tayo as a country--hindi tayo yung uupo lang sa isang sulok...lalaban talaga tayo...wala po yun lang... :)