Saturday, September 17, 2011

Ika Mo, Wika?


Ano ang gagawin mo kung biglang sinabi sa harapan mo na sa kasalukuyan, mayroon kang katangiang 'di kanais-nais? Malaki ang posibilidad na ikaw ay magtataka, magtatanong, o 'di kaya'y magagalit. Masakit malamang mayroon kang katangiang 'di kanais-nais. (Isipin mo kung sinabi sa harapan mong wala kang nagawang matino sa buong buhay mo.) Sa aking palagay, ang una mong gagawin ay itanggi ang pagkakaroon nito. Kasunod nito, maaaring tirahin mo rin ang pagkatao ng taong nagsabi nito, sapagkat may isinawalat nga naman siyang 'di sana nalaman nang ibang tao. Magtatanong ka rin kung bakit nga naman sinabi pa iyon sa iyo, gayong 'di nga namang kailangan.

Eh paano kung may katotohanan dito? Paano kung karapatan ng taong ito na isiwalat ito? Paano kung, masama man ang paraan nang pagkakagawa, ay kailangan din naman pala talaga itong sabihin, dahil kapag nalaman mo na ito'y may magagawa ka pa upang ayusin ito?

Sa usaping mga naganap sa wika noong nakaraang buwan, nasabihan nga ba lamang tayo nang ayaw nating marinig, nang isang personang ninais na rin nating gantihan?

Nagbunga rin ang pangyayari ng napakaraming sulating bumatikos sa taong ninais nga lang naman ay umpisahan muli ang diskurso ukol sa wikang Pilipino; nakapagpapabagabag sapagkat ginamit ang pagkakataon ng ilan upang iangat lamang ang estadong sosyal at ipagmukhang maalam ang sarili hinggil sa usapin. Maihahambing ito sa isang pulitikong sasakyan ang isang isyu, at sisigaw nang "Karapatan: adbokasiya ko ang karapatang pantao, pambabae, at panghayop."

Sa usaping ito, ang pagganti sa akusasyong "Ang pangit mo," nang "Ang panget mo rin, at ng nanay mo, at wala kang pinag-aralan," ay mukhang maraming sinasabi 'di lamang sa pagkatao nang nagsabi, kundi roon sa nasabihan din. Nababagabag ako sa ating komunidad.


6 comments:

Anonymous said...

Isang surpresa na naalala mong mayroon ka palang blog na di nabibisita. Nakapanghihinayang na ang isa sa mga kahanga-hangang blog na nabasa ko ay bihirang madagdagan ng ideya ng nagmamayari nito.

kung iyong napansin ang pagitan ng BLAG sa IKA MO,WIKA ito ay setyembre 2009 hanggang setyembre 2011.

hiling ko na sana ay mas maging regular na ang pag sulat mo.

:) justin.....

Dana said...

Hi Mikee! Wow, you're back! Keep on sharing your thoughts with us. :)

juval said...

i missed your wisdom....

juval said...

sana new entry na....

Ning Mumbing said...

Yehey! Ika'y nagbabalik! Sana dalasan mo ang pagpost mo dito. Miss ka na namin!! :)

Anonymous said...

Hi Mikee!
Ngayon ko lang nabuksan ang iyong blog, ako'y nagalak at may bago kang isinulat.
Sana'y marami ka pang maisulat tungkol sa mga bagay bagay na nangyayari sa ating lipunan. :)


-yoj-