Wednesday, March 15, 2006

Mga Duwag

Dun sa sanaysay sa ibaba, may nakalagay:

"When we went to Pasangjan, I forced my parents to take a boat because it would be fun. However, they were not happy after taking a boat. They said that they would not take the boat again because they were sympathized the boatmen, for the boatmen were very poor and had asmall frame. Most of people just took a boat and enjoyed it. But, my parents did not enjoy it because of love for them."

Katarantaduhan ito.

Ang kahit na anong sakit na nararamdaman mo ay hindi mo maaaring iwasan. Ang magagawa mo lang ay ang alisin ito nang tuwiran. Kung hindi man, makakain ka nang buhay ng sakit na ito, maging kasinliteral man ito ng sugat o kasintalinghaga ng damdamin.

Kahit nasasaktan ang damdamin ng mga taong ito dahil sa pagmamahal sa kapwa, ang tanging paraan upang mapawi ito ay ang pagkilos upang matanggal ang sakit. Ang pag-iwas sa mga taong nangangailangan, lalo na kapagka nakahalubilo mo na sila at naramdaman ang nadarama nila, ay walang sakit na mapapawi at magdudulot lamang ng mas malaking sama ng loob na hindi mawawala hanggang sa kumilos muli upang labanan ang sakit.

May dahilan kasi ang sakit na nadarama. Sa agham, ang kirot ay dulot ng pamamaga, na senyales ng paglaban ng katawan sa impeksyon. Nasasabi rin ng sakit na may nangyayari sa iyong katawan, na may impeksyon ka. Ang sakit sa damdamin ay senyales ng impeksyon sa lipunan at paligid. Ikaw ang gagamot nito.

2 comments:

Anonymous said...

ika nga nila, "don't just stand there, DO SOMETHING!"

AbyChu said...

very well said.

but sometimes, people just can't do anything but think out of pity. well, at least they got to think..

;)