Saturday, May 10, 2008

Give and Take (Praning, Don't Read)

Minsan ba ay pumasok na sa isip mo na baka ang tao, nilalapitan ka lang dahil may kailangan siya sa'yo, o dahil may nabibigay ka sa tao? Ang dalawang nag-iibigan naman napaglalapit ng pag-ibig 'di ba? Ang pag-ibig ay isang bagay na binibigay ng isa sa isa kaya nagkakaganoon. Kung masama kang tao na social climber, lalapitan mo lang naman siguro ang isang taong mayaman at sikat na hindi mo naman lubos na kilala dahil kailangan mo makilalang katabi noong sikat na iyon. Ang pari, pinapakinggan at dinarayo dahil nabibigay niya ang Diyos (o karanasan ng Diyos, at iba pang mga aral) sa mga tao. Kahit sa negosyo, kaya mayroong mga business organizations ay 'di lang para mapadali ang pagsasagawa ng mga transaksiyon at proyekto, kundi para makapagbuo rin ng mga 'pagkakaibigan' o koneksiyon na magagamit para sa kabutihan ng negosyo. Kung may kailangan mula sa kumpanya mong gumagawa ng semento ang taong gumagawa ng gusali, baka ibigay mo pa sa kaniya ng mas mura ang semento 'di ba, dahil magkasama kayo sa organisasyon? Ganoon 'din sa fraternity. Brad mo ko, brad kita. Kailangan mo ko, kailangan kita. Mahal mo ko, mahal kita. Kung mapahamak ka, sabit ako pero tutulungan kita at tutulungan mo ko 'pag kailangan ko. Kahit sa mga taong mahilig magbigay, puwedeng isipin (kahit baka makasakit ng damdamin), na kaya siya naghahanap ng mga natutulungan kasi kailangan niya ng pakiramdam na mapagbigay siya, at 'di niya yun makukuha kung di siya makabigay.
Sa totoo lang puwedeng tignan sa mabuti o masamang paraan itong ganitong pag-iisip eh. Masama siguro siya dahil nakakalungkot na kaya lang tayo lalapitan ng isang tao ay dahil sa mga kaya nating ibigay, pero mabuti rin siya dahil alam mong may malalapitan kang mga tao sa oras ng kagipitan, o kahit kailan mo trip.
Pero 'di ba? Nakakayanig isipin 'di ba? Isipin mo kaya 'yong mga nakaraang karanasan mo na may lumapit sa'yo, nakangiti, tapos may hiningi sa'yo. Tingin mo lalapitan ka niya kung wala kang ganoon? Tingin mo friends kayo? Hmmm...
Hoy, huwag mapapraning ng sobra ah.. 'Di naman masama ang mundo eh. May mga masama lang, pero 'di lahat. Pero maganda rin siguro na paminsan-minsan may ganitong gumugulo sa ating isipan, para 'di rin tayo maloko. Basta, peksman, walang todohang praningan ah?

4 comments:

Anonymous said...

mikee, sumasang-ayon ako sa iyo. tama ka. may point ka. naranasan ko na rin ang bagay na sinasabi mo. kilala ka ng isang tao pag may kailangan siya sa iyo, "friends" kayo... pero pag wala, magkalimutan na...hanggang sa dumating sa punto na pag nakita ka niya, parang hindi kayo magkakilala. hindi na kayo "friends". nakakalungkot isipin pero totoo. at, pag lumapit ulit sa iyo ang taong iyon, tama ka, mapapaisip ka talaga.
-dana c.

Anonymous said...

hi mikee, pa-praningin din kita dahil napraning din kami sayo hehe. Kung ang pagbabasehan mo lang ang sarili mo tingin mo ba, ginagawa mo lang ang bagay na yun dahil may nakukuha ka sa kanya. Naranasan mo na bang magbigay ng isang bagay sa isang pulubi sa kanto nang walang nakakakita? wala naman siyang gagawing kapalit sa iyo. Basta ang isipin mo lang kung sakaling tama ka, maaring nilikha tayo para magcompliment sa isa't isa. Pero wala tayong kayang gawin para tumigil ang Diyos na mahalin tayo.

Anonymous said...

whew nakaka-praning nga. ahmm bakit pala nilagay mo ung "don't read" sa title? hehe. la lang. anyways, nalungkot naman ako bigla nung nabasa ko tong entry na to.. nakuu i feel this way most of the time! kc marami akong mga taong tinuturing ko talaga na friend ko but i don't feel the same thing. wla lang. ewan, para bang ADHD ang dating ko. haha. kulang sa atensyon kaya parang gusto ko special ako sa bawat taong nakakakilala sa'kin. :(

Anonymous said...

mikee, agree ko sa sinulat mo. naranasan ko na rin kasi yung ganyan. lumalapit sayo ang isang tao, una nkangiti tapos kakausapin ka na parang gusto kang makilala tapos may hihingin lang pala. meron din sasabihin friends kayo pero after sometime pag nakuha na niyaa ang gusto niya maghahanap na uli ng bagong "kaibigan". but still, happy naman ako kahit ganun kasi marami akong nakikilala, iba't-ibang ugali o personality ng isang tao at ngayon alam ko may mga taong di ganyan, may mabubuti din pala dito sa mundo na darating sa buhay mo nakangiti nung una kayo magkakilala at hanggang sa huli magkasama pa rin kayo. =)